Minamahal na Kabataang Pilipino - Don Bosco Makati
Institutional Pastoral

Minamahal na Kabataang Pilipino

Ito ang liham ng Mga Salesyano ni Don Bosco para sa mga kabataang Pilipino tungkol sa darating na Halalan sa Mayo 9.  

KAYO AV ANG “NGAYON” NG DIYOS
Nakaharap tayo ngayon sa isang sangandaan dahil sa darating na halalan sa Mayo 9. Bilang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, tayo ay tinatawag upang gamitin ang ating banal na karapatan at tungkuling bumoto.
Ang mga araw na darating hanggang sa eleksyon, ay malamang na mapupuno nang paglaganap ng disimpormasyon. Ang mga Pilipino raw ay masigasig gumamit ng social media, at mismong ang katangiang ito – ang pagkahilig natin sa Facebook, Twitter, TikTok at lnstagram – ay siyang kadalasang ginagamit sa pagpapalaganap ng kasinungalingan.