Bilang paghahanda para sa pagdiriwang ng Pista ng 𝘈𝘴𝘴𝘶𝘮𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯 at sa ika-210 kaarawan ni San Juan Bosco, ang 𝘗𝘢𝘴𝘵𝘰𝘳𝘢𝘭 𝘔𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘺 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦 ay nagsasagawa ng iba’t ibang gawain mula Agosto 6 hanggang Agosto 14, 2025, kabilang na ang 𝘿𝙖𝙞𝙡𝙮 𝙂𝙤𝙤𝙙 𝘿𝙚𝙚𝙙𝙨 at ang pagdarasal ng Novena.
Isa sa mga gawaing ito ay ang 𝙍𝙤𝙨𝙖𝙧𝙮-𝙈𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙮 na inorganisa ng Juventus Sodality. Layunin ng gawaing ito na makabuo ng 250 rosaryo na iaalay sa EPC Mass sa Agosto 15, 2025, at ipamamahagi sa mga kalahok ng 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘗𝘪𝘭𝘨𝘳𝘪𝘮𝘢𝘨𝘦.
Inaanyayahan ang lahat ng Bosconians at Lay Mission Partners na makibahagi sa gawaing ito na gaganapin sa Bosco Hall, mula 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon araw-araw hanggang Agosto 14, 2025.
Tayo’y magkaisa sa panalangin at paglilingkod.
Tara na’t lumahok sa mapagpalang gawaing ito at sabay-sabay tayong magdiwang!
“Bosconian Para Kay Maria”
Captions: Gng. Jovil Santiago-Tamayao

