Junior High

Student Leaders’ Assembly 2025

Kasalukuyang nagaganap ang pangkatan, pakikipag-ugnayan sa ibang mag-aaral, at pagbuo ng yell ng bawat pangkat sa Juanway: Student Leaders’ Assembly 2025 sa Don Bosco Academy, Mabalacat, Pampanga.
Nahati sa 10 pangkat ang mga mag-aaral na binubuo ng iba’t ibang Don Bosco setting.
Layunin ng unang gawaing kilalanin ng bawat delegado ang kanilang kapwa-lider-mag-aaral na makakasama sa dalawang-araw na asembliya.

Samantala, 26 na lider-mag-aaral mula sa Don Bosco Makati ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Isinulat ni: Jiro Gabriel Conejo
Kuhang larawan nina: Gil Andrei Lobaton at Jiro Gabriel Conejo