Sa unang pagkakataon ay pisikal na nagsama-sama ang mga kinatawan ng Don Bosco Makati – Teatro Busko at St. Paul College Pasig – Teatro Paulino para sa Basic Theater Workshop na pinamagatang “Break the Ice: The Stage Sagas.”
Layunin ng palihan na linangin ang kakayahan ng mga miyembro nito sa iba’t ibang kasanayang panteatro gaya ng Direksyon at Pamamahala sa Entablado, Disenyo ng Set, Teknikal at Ilaw, Kasuotan at Make-up, Pagsusulat ng Iskrip, Galaw para sa Musikal, Pag-awit, at marami pang iba.
Naimbitahan bilang tagapagsalita sa gawaing ito ang ilang mga batikan sa larangan ng teatro gaya nina Bb. Raflesia Bravo ng Balik Indak at Daloy Dance Company, Bb. Kiki Baento mula sa PETA Theater, at Bb. Sophia Viola mula sa dulang No Body is Home at Dalaga na si Maxie Oliveros.
Magpapatuloy ang kulminasyon ng workshop sa ika-11 ng Oktubre, 2025 sa St. Paul College Pasig.
Magtatanghal nang buong kagalakan!

