Dagos po! Masiglang Anyaya ng Wikasaytura 2025 sa HS Department
Ang “Dagos po!” ay isang Bikolanong pagbati na ginagamit upang magalang na imbitahin ang isang tao papasok. Ang tahasang salin nito sa wikang ingles ay “Welcome”.
Masiglang isinagawa ang paglulunsad ng Wikasaytura 2025 na may temang: “Kasaysayan at Katutubong Wika: Kaisa ng Kabataang Makabansa” sa Savio Dome, Agosto 1. Ang mga mag-aaral ng High School Department ay inanyayahang makilahok sa iba”t ibang gawaing nakatala para sa selebrasyon.
Malikhaing sinimulan ang programa ng nagtanghal ang Buskpop at mga estudyante mula sa ika-siyam na baitang ng isang sayaw.
Inanunsiyo sa programa ang iba’t ibang aktibidad na magaganap ngayong buwan ng Wika, kabilang ang; Pistanghalian, Simposyum, Ginoong at Mutya ng Kapistahan, Ang Panayam at iba pa.
Pinapili ang kada-baitang ng kanilang tema para sa Pistanghalian. Ang tema na napili ng kinatawan ng Senior High School Unit ay Pista ng Patron.
Ang programa ay pinadaloy nina Chloie Secretario at James Marifosque.
Manatiling nakatutok sa FB page ng Braga Gazette para masubaybayan ang masasayang kaganapan ng Wikasaytura 2025.
Sulat ni: Matteo Ibarle
Mga kuha nina: Antonio Reyes at Yel Arnaldo

